Sabado, Agosto 29, 2015

Paghihiwalay ng Estado at Simbahan

Paghihiwalay ng Estado at Simbahan

Ang Pagkakahiwalay ng Simbahan at ng Estado ay isang konseptong legal at politikal, kung saan ang mga institusyon ng estado at ng simbahan ay pinapanatiling magkahiwalay sa bawat aspekto ng pagtugon sa mga isyu ng kanilang mga institusyon nang walang pamamagitan o pakikialam ng bawat isa. Sa konseptong ito nasusukat ang kalayaan ng pananampalataya ng bawat mamayan.

Sa Pilipinas

Estado at Simbahan
Sa Artikulo 2 ng "Deklarasyon ng mga Prinsipyo at mga Patakarang Pang-estado" ng 1987 na Saligang Batas ng Pilipinas, seksiyon VI, ang paririlang "Ang separasyon ng simbahan (relihiyon) at estado ay hindi malalabag" ay inuulit mula sa 1973 at 1935 na saligang batas ng Pilipinas.
Gayunpaman, ang ilang mga politiko o kandidato ay malakas pa ring naiimpluwensiyahan ng iba't ibang mga relihiyong Kristiyano lalo na ang Romano Katoliko. Ang mga politiko/kandidatong ito ay napipilitang magpasailalim sa hinihingi o kondisyon ng mga pinuno ng mga relihiyong ito dahil sa pananakot ng mga ito sa hindi pagsuporta o pagendorso tuwing may halalan sa Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento